Monday, May 9, 2011

ex-sena…

salbahe:  Uzta ka nman…

M*****: Ayos lang… san ka ba?  cam mo…  

salbahe:  Wait lang… ikaw muna mag-invite…

M*****: Sigurista eh ano?... Accept mo…

salbahe:  Okie dokie…

***chat with cam…

M*****: Ano yang kinakain mo?  

salbahe: Cherry tomato… matamis… ang sarap.

M*****: Kaya pala balingkinitan ka na ngaun huh… lol...

salbahe: Balingkinitan ka jan… eh bakit may tawa?  Namayat ba ako?

M*****: Oo nman, dati kasi tatlong layer ka eh. Ngayon dalawa na lang. Anung ginawa mo sa pang-tatlo? Nilaga mo na?

salbahe: Utot mong blue…

M*****: Parang maasim nman ‘yang kinakain mo… wala ka bang ubas dyan.

salbahe: Choosy ka pa? Wag ka na magreklamo ako nman ang kumakain eh… may cancer na nga un ref… wala ng laman.  hindi ako nakalabas para mamili… nakakatamad at napagod ako.

M*****: At bakit? Anong pinagkaabalahan mo para mapagod? Nag-basketball ka ng nakahubad no? whahaha…

salbahe: Baliw…

M*****: (Biglang natahimik… seryoso sa screen nya)

salbahe: Seryoso? anong ginagawa mo jan… nasa porn site ka ano?

M*****: Bagay kayo ah… perfect couple? hehe… kayo ba?

salbahe: Anong pinagsasabi mo?

M*****: Magkasama kayo oh… naka-stripe… hahaha… nasa FB page mo ako ngaun… seryoso ‘to or jamming sa kama.

salbahe: Ewan sa’yo… pahinog ka nga, alis ka jan sa FB ko. i-unfriend kita jan eh.

M*****: So… eh di kayo nga?  pikon…

salbahe: Bitter-ex ka ha… close friend lng yan.

M*****: Bakla…  tayong dalawa, close tayo kahit ex mo na ako… Pero kayong dalawa ni stripe,  hindi kayo close. Mag-dyowa kayo.

salbahe: Bakit ba kase…

M*****: Ano? Deny ka? Subukan mong i-deny, patay ka sakin.

salbahe: Basta, ano, ganon. Yun.

M*****: Ikaw pala ang choosy eh.

salbahe: Nman… Sa ganda kong ito, cge ala akong karapatang maging choosy.

M*****: Cute ka naman ah… dating chubby, ngaun slight sexy na… hahahaha…   

salbahe: Salamat… ang bait mong manlait.

M*****: Salamat din, Takot ka ano?

salbahe: Takot?... Bakit?

M*****: Ah, hindi siguro takot. Siguro super takot-takot ka ngayon.

salbahe: .... Ano???

M*****: Takot kang maging over sa pagka-inlove kay stripe.

salbahe: ....Huh…

M*****: Kasi ayaw mo nang masaktan? Feeling virgin ka eh.

salbahe: Eh ganon nman talaga di ba?  magtira para sa sarili.

M*****: Hay naku… ganyan ka pa rin ba… pwd ibahin mo nman… nagmamahal ka lang rin, eh di itodo mo na.

salbahe: Alam ko… mabait sya and very sweet… mas sweet sa’yo hehehe.

M*****: Pero?.... ano?… may pero yan eh… ikaw pa…

salbahe: Walang pero.

M*****: Sure ka?

salbahe: Eh lagi namang may pero di ba?

M*****: Oh.. ano nga ang pero mo this time?

salbahe: Feeling ko di kami bagay.

M*****: Ah, dahil pogi siya at ikaw ay... adorable?

salbahe: Adorable? Ang simple mo manlait ha… di masyado masakit..

M*****: Alam mo na ‘yon…

salbahe: Siguro yun na nga. Kung makikita mo ba kaming magkasama anong tingin mo… Uncle nya ako… masyado bang bata… mahalay di ba?…. 

M*****: Aaaahhhh…

salbahe: Ano?  Bakit?  parang tanga lang… slight

M*****: Hindi. Tanga ka lang talaga.

salbahe: Aray ko nman...

M*****: Bakla… tignan mo sya at tignan mo ikaw. Ganung itsura ang gabi-gabi mong makakasama! Aba!  magdiwang ka at dapat magpa-misa ka! Dapat mag-novena ka sa baclaran at lumakad ng paluhod sa quiapo!

salbahe: Sobra ka na ha… alam ko naman yun eh…

M*****:  Pero dapat alam mo rin  na ma-swerte din sya sa’yo. Sa sexy mong yan, lahat ng kurba ng katawan mo at sa bawat bilbil… hahahaha  pwd kang ulam.

salbahe:
 Tanginamo. Sagad ka na sa lait ha…

M*****: Whahahaha… pikon… the best ka kaya… dapat makita nya rin ‘yun… seryoso…

salbahe: Cge na… wag lang malasin gusto ko eto na talaga.  Special na’to, parang siopao lang may dot na pula.

M*****: Goodluck… tapos sa kasal nyo imbitado ba ako?

salbahe: Atat ka masyado…  Whahaha…

M*****: So anung tawag mo sa kaniya?

salbahe: Wala… basta  un pangalan nya..

M*****: Eh ano bang pangalan nya… at nung tawag niya sa iyo?

salbahe: Wala nga… pwd ba, masyado ka nang cheesy huh…  

M*****: Baka nman Honey? Sweety?... Tapos… Babe lang pala, parang baboy…

M***** and salbahe: (isang malakas na tawanan on screen)

mahaba at marami pa kaming napagkwentuhan… pero samin na lang yun… ang sarap ng pakiramdam kapag ang EX mo ay naging isang kaibigan.  


Friday, May 6, 2011

mantra...

na na na everyday…..
habang kumakain, breakfast/lunch/dinner - kasama meryenda.

na na na everyday…..
habang naglalakad papasok sa work

na na na everyday….
habang tumatakbo para pumayat.

na na na everyday…
habang naliligo.

na na na everyday…
habang working galore

na na na everyday…
partida… galit na ako nyan.

na na na everyday…  maniwala ka, lyrics yan ng isang kanta, na di ko alam ang title at kung sinong artist.   napanood at narinig ko lang yan sa you-tube.  isang joseph vincent… na phil-am ang nag-guest sa show ni ellen degeneres at kinanta nya to… mula noon lagi ko na sya hinihimig… at sa super pag-kagusto ko nga… naging mantra ko na sya…

Wednesday, May 4, 2011

toinkz moment…

sa YM…

Ako :  busy ka… ang tagal mo mag-reply

Friend : wait lang kasi nag download ako.

Ako :  nang ano..

Friend :  taylor

Ako : lautner?

Friend :  swift… bakla ka talaga puro ka lalake…

… toinkz…




sa Skype…

[3/17/2011 10:49:06 AM] H**: good morning bakla…

[3/17/2011 10:49:18 AM] H**: busy?? anong gawa mo

[3/17/2011 10:50:41 AM] salbahe: morning bading, nag-aayos ako ng booking.

[3/17/2011 10:50:56 AM] H**:  ay may booking din jan? ang-aga nman

[3/17/2011 10:52:21 AM] salbahe: parang pinas din…

[3/17/2011 10:54:43 AM] H**: talaga… malalaki ba ang nota jan?

[3/17/2011 10:55:15 AM] H**: magkanong talent fee...

[3/17/2011 10:55:36 AM] salbahe: putong ama ka…anong nota at talent fee ka jan… booking ng inspector at hindi lalake, leche ka.  ang aga-aga ang halay mo…

[3/17/2011 10:56:05 AM] H**: whahaha... sorry tao lang, bakla pa… :D

… toinkz…




sa Facebook

2:39pm
Psst. Salbahe saan ka ngayon nakatira po.

2:46pm
sa vietnam po

2:46pm
oic nga.. Long time no hear..
I still remember u po sa NI... No
Wala na ang NI...

2:47pm
uzta na... nasa pinas ka ba ngaun

2:47pm
wala na po..
Nasa States na ako noong pa 93 ako umuwi na..

2:48pm
wow talaga... ang galing mo pa ring magtagalog ha

2:48pm
of course..

2:51pm
classmate ng 1st year d b? may binigay ka sakin na girl toy

2:52pm
oo
lol
na gustohan mo yata ang barbie lol

2:54pm
of course... i like it... very much, lol

… toinkz…







Wednesday, March 30, 2011

extra rice...

ang tunay na lalake daw laging may extra rice kapag kumakain.
ah… kaya pala… kaya pala wala akong extra rice… pasensya immortal.
ikaw na ang maging dyosa… engkantada… diwata… lambana…
oh… kailangan mo pa ba ng extra rice?…

pero sa mundo ng sang-kabaklaan… palaging may kontrapelo…
ano daw ang gagawin mo, kung si coco martin ang ulam?
matitiis mo ba na wag galawin ang extra rice? 
kung ganito kasarap ang ulam...






aba! syempre hindi… ipokrita lang ang magsasabing kaya nyang tiisin
for sure… isasaing ng mga beki ang isang sakong bigas na pinanalunan sa bingo.
dahil di nila tatantanan ang masarap na ulam… sayang naman kung mapapanis lang.

pasensya na sa mga lalake… basta masarap ang ulam…
kahit bakla may extra rice…





Monday, March 28, 2011

noted...

ang notes na ito ay tungkol sakin… 
basta sinulat ko lang iyong mga bagay o bahagi ng pagiging ako…

1. kapatid… may dalawa akong kuya… wala akong ate.

2. ayoko ng beef o mga pagkaing may beef flavoring.
    kung sina piolo pascual, sam milby at coco martin ay beef flavored…
    mapapanis lang sila at di ko sila titikman…. whahahaha… mahalay!

3. mas komportable akong matulog mag-isa,
    ayaw ko ng may katabi sa kama, lalo na kung babae.  yakz…

4. trying hard ako magluto ng pasta…
    at super imbento ako ng mga sauce to match my taste.

5.  enjoy ako sa swimming… sa ilog, sa dagat, sa batis, sa lawa, sa pool
     at kahit sa baha… sirena kaya ako.

6.  i hate mathematics… di ko nga memorize ang multiplication table.
     sorry tao lang…  eh bakit ba, kaya nga may calculator di ba?

7.  sa mga subject ko noong college… walang silbe ang “rizal”…
     di ko man lang pinakinabangan sa buhay kahit isang bes lang…
     ngaun na nagtatrabaho na ko wala pa rin.

8.  magulo ang closet ko…  di sya organized… basta bahala na si batman,
     magkagulo kayo sa loob nyan…
     hahanapin at paplantsahin ko lang ang damit kapag isusuot ko na.

9.  long time ago…  nag-couples for Christ sila fader at mader…
     advise ni mader, mag-singles for Christ ako,
     kaya lang di natuloy kasi di nag-match sa working sched  ko. 
     ngaun… mas malinaw na sakin ang dahilan bakit di un natuloy…
     imagine, kung lahat ng ka-batch ko sa singles… naging couples na…
     eh di ako na lang naiwan at saka noon pa man alam ko na di ako single… double ako.

10.  ayaw ko katrabaho ang mga slow… iyong slow na sa utak, slow pa kumilos…
       wala akong tiyagang magturo o magpaliwanag at maghintay… 
       maigsi ang pasensya ko.

11.  hindi ako mahilig sa tinapay…
       kung ako ang bibili ng makakain, hindi ko maiisip bumili ng tinapay…
       pero kung may tinapay na sa mesa… sige kakainin ko na rin.

12.  may collection ako dati ng toys from happy meal ng mcdo…
       bawat labas talaga kumpleto… kaya lang si mader mapagkawang gawa,
       pag may mga batang pumunta sa bahay namin at nagustuhan… bigay ng bigay…
       kaya, tinigil ko na ang pagbili, kinahon un mga toys at binigay ko sa pamangkin ko.  

13.  feeling ko may claustrophobia ako…
       feeling lang, kase di ko nman na-confirm sa doctor.
       sabi kasi ni google ang claustrophobia ay..
       ”the fear of having no escape and being closed in.
       it is typically classified as an anxiety disorder and often results in panic attack”.
       may ganyang mode at takot ang dyosa.

14.  mga 13 to 14 years na akong nakakatipid sa underwear…
       hindi ako bumibili… kung bakit?  basta… wala lang.

15.  wala na pa lang pang-15… wala na ako maiisip…