ang notes na ito ay tungkol sakin…
basta sinulat ko lang iyong mga bagay o bahagi ng pagiging ako…
1. kapatid… may dalawa akong kuya… wala akong ate.
2. ayoko ng beef o mga pagkaing may beef flavoring.
kung sina piolo pascual, sam milby at coco martin ay beef flavored…
mapapanis lang sila at di ko sila titikman…. whahahaha… mahalay!
3. mas komportable akong matulog mag-isa,
ayaw ko ng may katabi sa kama, lalo na kung babae. yakz…
4. trying hard ako magluto ng pasta…
at super imbento ako ng mga sauce to match my taste.
5. enjoy ako sa swimming… sa ilog, sa dagat, sa batis, sa lawa, sa pool
at kahit sa baha… sirena kaya ako.
6. i hate mathematics… di ko nga memorize ang multiplication table.
sorry tao lang… eh bakit ba, kaya nga may calculator di ba?
7. sa mga subject ko noong college… walang silbe ang “rizal”…
di ko man lang pinakinabangan sa buhay kahit isang bes lang…
ngaun na nagtatrabaho na ko wala pa rin.
8. magulo ang closet ko… di sya organized… basta bahala na si batman,
magkagulo kayo sa loob nyan…
hahanapin at paplantsahin ko lang ang damit kapag isusuot ko na.
9. long time ago… nag-couples for Christ sila fader at mader…
advise ni mader, mag-singles for Christ ako,
kaya lang di natuloy kasi di nag-match sa working sched ko.
ngaun… mas malinaw na sakin ang dahilan bakit di un natuloy…
imagine, kung lahat ng ka-batch ko sa singles… naging couples na…
eh di ako na lang naiwan at saka noon pa man alam ko na di ako single… double ako.
10. ayaw ko katrabaho ang mga slow… iyong slow na sa utak, slow pa kumilos…
wala akong tiyagang magturo o magpaliwanag at maghintay…
maigsi ang pasensya ko.
11. hindi ako mahilig sa tinapay…
kung ako ang bibili ng makakain, hindi ko maiisip bumili ng tinapay…
pero kung may tinapay na sa mesa… sige kakainin ko na rin.
12. may collection ako dati ng toys from happy meal ng mcdo…
bawat labas talaga kumpleto… kaya lang si mader mapagkawang gawa,
pag may mga batang pumunta sa bahay namin at nagustuhan… bigay ng bigay…
kaya, tinigil ko na ang pagbili, kinahon un mga toys at binigay ko sa pamangkin ko.
13. feeling ko may claustrophobia ako…
feeling lang, kase di ko nman na-confirm sa doctor.
sabi kasi ni google ang claustrophobia ay..
”the fear of having no escape and being closed in.
it is typically classified as an anxiety disorder and often results in panic attack”.
may ganyang mode at takot ang dyosa.
14. mga 13 to 14 years na akong nakakatipid sa underwear…
hindi ako bumibili… kung bakit? basta… wala lang.
15. wala na pa lang pang-15… wala na ako maiisip…